Sunday, April 16, 2006






Buksan na ang tenga. Heto na ang PUPPET! PUPPET!

Bagong musical side project ni Lourd de Veyra (ng Radioactive Sago Pradjek) kasama ang chikas niya na si Marj Lachica (a.k.a Vacla). At si Billy Boy (a.k.a B-Boy, Biboi, Boi2, Boy Baho) ang pinakamalansang Lhasa Apso sa buong Project 2, QC.

Mga masasamang impluwensiya:

Claire dela Fuente, Stereolab, Carpenters, Basil Valdez, Belle and Sebastian, Odette Quesada, Jam Morales, Tillie Moreno (+ Ray-An Fuentes, if only for "Umagang Kayganda"), the old Metropop winners, Prefab Isprout, Gene Gonzales (yung chef), Anthony Bourdain (tigasing Kano na chef), hilaw na isda at grilled chicken wasabi sa Sushikatsu, IAMS dog biscuits. lechon kawali at dulong-in-olive oil sa Sidcor Weekend Market, Off Lotion, mumurahing red wine (basta hindi Carlo Rossi), diazepam, Diatabs, etc.

Kasalukuyang tinatrabaho ng PUPPET! PUPPET! ang kanilang 7-song EP na lalabas, "Maraming Hudas". Tracks include 'Sushi', 'I.A.M.S', 'Kalmot sa Pinto', 'Sa Weekend Market', 'Giant and the Chubby Garapata', 'Sige... Walang Liguan Ha', 'Hindi Siya Dog, Siya si Billy Boy Dog'.

Abangan sa loob ng isang buwan!

P.S.
Salamat kay Vincent Eviota at Joel Toledo.

2 Comments:

Blogger asdjakfa said...

tangna...ang kulet lang ng influenzas ng Billy Boy album. lufeet!!!

musta na lourd?

baloy

8:29 PM  
Anonymous Anonymous said...

This comment has been removed by the author.

8:29 AM  

Post a Comment

<< Home